Philippine Standard Time
 

 

Palawan

 

Fig 1: Map showing the location and the focal mechanism solution (reverse fault) of the 11 June 2024 Mw 5.1 offshore Palawan earthquake. Black arrows indicate the location of the possible offshore fault that generated the earthquake. Data sources: Earthquake location and focal mechanism from PHIVOLCS, SAR-derived topography and bathymetry data from NAMRIA (2013).

At 02:58 PM Philippine Standard Time (PST) on 11 June 2024 (Tuesday), a shallow and moderate earthquake with magnitude (Mw) 5.1 shook the Province of Palawan. The epicenter was located 91 kilometers southwest of Roxas, Palawan with an estimated depth of 26 kilometers. The highest felt intensity was reported in the municipality of Roxas, Palawan at PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS) III (weak). The focal  mechanism from PHIVOLCS SWIFT-CMT shows that it was caused by a reverse fault, where the movement of the fault is mainly vertical. The earthquake struck offshore within the northwest Sulu Sea basin. High-resolution bathymetric data suggest deformation of the seafloor due to the presence of potential reverse faults in this region. These offshore faults are potential sources of earthquakes.

Considering the magnitude of this earthquake, aftershocks may occur in the epicentral area. Even for Palawan Island, DOST-PHIVOLCS can continuously monitor earthquakes using seismic stations located in Brooke’s Point, Quezon, Puerto Princesa, El Nido, Busuanga, Cuyo, and Cagayancillo in Palawan.

 

TAGALOG VERSION:

Ang  11 June 2024 MW 5.1 na lindol sa karagatan ng Palawan

Palawan

Fig 1: Mapa na nagpapakita ng lokasyon at ng focal mechanism solution (reverse fault) ng 11 June 2024 Mw 5.1 na lindol sa karagatan ng Palawan. Ang mga itim na palaso ay nagtuturo ng lokasyon ng posibleng offshore fault na nagdulot ng lindol. Pinagmulan ng datos: Lokasyon ng lindol at focal mechanism mula sa PHIVOLCS, at topograpiya at bathymetry data mula sa NAMRIA.

Noong 11 Hunyo 2024, 02:58 PM, isang mababaw at may katamtamang lakas na lindol na may magnitude (Mw) 5.1 ang yumanig sa Lalawigan ng Palawan. Ang episentro ay matatagpuan 91 kilometro timog-kanluran ng Roxas, Palawan sa tinatayang lalim na 26 kilometro. Naiulat sa bayan ng Roxas, Palawan ang pinakamataas na PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS) III (mahina). Ang focal mechanism solution mula sa PHIVOLCS SWIFT-CMT ay nagpapakita na ang lindol ay dulot ng isang reverse fault, kung saan ang paggalaw ng fault ay vertical.

Ang lindol ay tumama sa karagatan, sa loob ng hilagang-kanluran ng Sulu Sea basin. Naobserbahan sa high resolution bathymetric data ang depormasyon ng seafloor dahil sa presensya ng mga reverse faults sa rehiyong ito. Ang mga offshore fault na ito ay posibleng pagmulan ng mga lindol.

Dahil sa lakas ng lindol na ito, posible ang mga aftershock sa lugar na malapit sa epicenter. Kahit pa sa Isla ng Palawan, patuloy na binabantayan ng DOST-PHIVOLCS ang mga lindol gamit ang mga seismic station na matatagpuan sa Brooke’s Point, Quezon, Puerto Princesa, El Nido, Busuanga, Cuyo, at Cagayancillo sa Palawan.

-->