Ito ay paunawa ukol sa naganap na mga mahinang phreatomagmatic bursts sa Main Crater ng Bulkang Taal.Ito ay paunawa ukol sa naganap na mga mahinang phreatomagmatic bursts sa Main Crater ng Bulkang Taal.
Ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng walong (8) mahinang phreatomagmatic bursts sa Taal Main Crater kaninang 3:50 PM ng hapon – 09:57 PM ng gabi. Ang mga ito ay maiikli lamang at tumagal ng 10 segundo hanggang 2 minuto at lumikha ng mga bakas lamang sa seismic record bagamat mayroong kaakibat na infrasound signal. May mga nalikhang steam-rich plume na tumaas ng 400-900 metro batay sa mga visual at thermal camera sa paligid ng Taal Lake. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 mula nang pagsapit ng 2022 ay humigit-kumulang 10,668 tonelada/araw, na may pinakamataas na antas na 18,705 tonelada/araw noong 27 Enero 2022. Sa kabilang dako, halos walang lindol sa paligid ng bulkan ang naitala mula pa noong Disyembre 19, 2021 at ang Taal Volcano Island ay nakakaranas ng pag-impis mula pa noong Oktubre 2021 batay sa sukat ng ground deformation gamit ang continuous GPS.
Pinaalalahanan ang lahat na ang Alert Level 2 (Pagtaas ng Aktibidad) ay nakataas sa Bulkang Taal at ang mga gas-driven na pagputok at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang pamamalagi sa Lawa ng Taal. Ang mga may katungkulan sa ng lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat hikayatin ang mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa lumilipanang abo at umiitsang bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.