Philippine Standard Time
 

00 volcano icon for bulletin Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng isang (1) volcanic earthquake at limang (5) mga yugto ng volcanic tremor na tumagal ng isa (1) hanggang tatlong (3) minuto. Samantala, katamtamang pagsingaw, na may taas na 20m, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 74.6ºC noong ika-18 ng Pebrero 2021 at acidity na may pH 1.59 noong ika-12 ng Pebrero 2021.  Ang sukat ng pamamaga ng bulkan gamit ang electronic tilt sa Volcano Island ay nagtala ng bahagyang pag-impis ng paligid ng Main Crater mula pa noong Oktubre 2020, bagama’t may marahan at patuloy na pamamaga and kalakhang Taal batay sa sukat ng continuous GPS matapos ang pagsabog noong Enero 2020.

Ang Alert Level 1 ay kasalukuyan pa ring nakataas sa Taal Volcano. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 1, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure. Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo at umiitsang bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.

DOST-PHIVOLCS

-->