Philippine Standard Time
 

Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng sampung (10) volcanic earthquakes kabilang ang dalawang (2) low frequency volcanic earthquakes at walong (8) volcanic tremors na tumagal ng walo (8) hanggang tatlumpu't pitong (37) minuto, at low-level background tremor na nagsimula nang ika-08 ng Abril 2021. May naganap na upwelling sa Main Crater at pagsingaw na nagsimula bandang alas-11 ng gabi kahapon na sa kasalukuyan ay lumilikha ng makapal na plume na may taas na dalawang (2) kilometro papuntang timog-kanluran. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 3,051 tonelada kada araw noong ika-20 ng Mayo 2021. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 71.8ºC noong ika-04 ng Marso 2021 at acidity na may pH 1.59 noong ika-12 ng Pebrero 2021. Ang sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay patuloy na nakakapagtala ng marahan na pamamaga ng kalakhang Taal magmula pa nang pagsabog ng bulkan noong Enero 2020. Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan.Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng sampung (10) volcanic earthquake kabilang ang dalawang (2) low frequency volcanic earthquake at walong (8) volcanic tremor na tumagal ng dalawa (2) hanggang dalawampung (20) minuto, at low-level background tremor na nagsimula nang ika-08 ng Abril 2021. May naganap na upwelling sa Main Crater at pagsingaw na nagsimula bandang alas-11 ng gabi kahapon na sa kasalukuyan ay lumilikha ng makapal na plume na may taas na dalawang (2) kilometro papuntang timog-kanluran. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 3,051 tonelada kada araw noong ika-20 ng Mayo 2021. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 71.8ºC noong ika-04 ng Marso 2021 at acidity na may pH 1.59 noong ika-12 ng Pebrero 2021. Ang sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay patuloy na nakakapagtala ng marahan na pamamaga ng kalakhang Taal magmula pa nang pagsabog ng bulkan noong Enero 2020. Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan.


Ang Alert Level 2 ay kasalukuyan pa ring nakataas sa Taal Volcano subalit may muling pagtaas sa pagligalig ng bulkan at ang kalagayan nito ay nananatiling pabago-bago. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal. Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo at umiitsang bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.


 DOST-PHIVOLCS

-->