Philippine Standard Time
 

Nagkaroon ng isang phreatomagmatic na pagputok sa Main Crater mula 3:16 PM hanggang 3:21 PM kahapon na lumikha ng isang madilim at sungay-sungay na plume na tumaas ng 1000 metro. Ito ay nasundan ng apat na munting pagsabog na nangyari sa mga oras na 6:26 PM, 7:21PM, 7:41PM, at 8:20 PM na tumagal ng hindi lalagpas sa dalawang (2) minuto bawat isa at nagdulot ng mga maikling plume na may taas na dalawang (200) daang metro.Nagkaroon ng isang phreatomagmatic na pagputok sa Main Crater mula 3:16 PM hanggang 3:21 PM kahapon na lumikha ng isang madilim at sungay-sungay na plume na tumaas ng 1000 metro. Ito ay nasundan ng apat na munting pagsabog na nangyari sa mga oras na 6:26 PM, 7:21PM, 7:41PM, at 8:20 PM na tumagal ng hindi lalagpas sa dalawang (2) minuto bawat isa at nagdulot ng mga maikling plume na may taas na dalawang (200) daang metro.Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng dalawampu’t siyam (29) na volcanic earthquakes, kabilang ang isang (1) explosion-type earthquake, dalawang (2) volcanic tremor na tumagal ng tatlong (3) minuto, dalawampu’t dalawang (22) low frequency volcanic earthquakes, at low-level background tremor na naitala simula pa noong ika-08 ng Abril 2021. Ibinuga ng Main Crater ang mataas na sukat ng volcanic sulfur dioxide gas at steam-rich plumes na may taas na tatlong libong (3,000) metro bago napadpad patungong timog kanluran at timog silangan. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 13,287 tonelada kada araw noong ika-01 ng Hulyo 2021. Mayroon ding vog na namataan sa kalakhang Taal. Ang sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay nakakapagtala ng marahan na pag-impis ng Taal Volcano Island simula noong Abril 2021, samantalang ang kalakhang Taal ay nakakaranas ng marahang paglawak simula noong 2020.


Ang Alert Level 3 (Mataas na aktibidad) ay kasalukuyan nakataas sa Taal Volcano. Sa kalagayang ito, ang magma na nanunuot sa Main Crater ay maaaring magdulot ng malakas na pagsabog. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na ang Taal Volcano Island o TVI ay isang Permanent Danger Zone o PDZ at pagpasok sa TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel ay dapat na maigting na ipagbabawal dahil sa panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami kung sakaling magkaroon ng malakas na pagputok. Lahat ng mga aktibidad sa Taal Lake ay dapat ipagbabawal sa ngayon. Pinapayuhan ang residente sa paligid ng Taal Lake na maging mapagmatyag at mag-iingat dahil sa posibleng ashfall at vog at maging laging handa sa posibleng evacuation kung sakaling ang aktibidad ng Taal ay lumala.


Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo, umiitsang bato, at pyroclastic density currents tulad ng base surge na maaaring makaapekto sa aircraft na idudulot ng posibleng biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.DOST-PHIVOLCS

-->