Philippine Standard Time
 

00 volcano icon for bulletin Nagkaroon ng isang phreatomagmatic na pagputok sa Main Crater kaninang 5:18 AM na lumikha ng isang maliit na kulay abong plume na tumaas ng 300 metro bago napadpad sa timog silangan.

 

Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng limampu’t limang (55) volcanic earthquakes, kabilang ang isang (1) explosion-type earthquake, apatnapu’t apat (44) na low frequency volcanic earthquakes, limang (5) volcanic tremor na tumagal ng dalawa (2) hanggang limang (5) minuto, limang (5) hybrid earthquakes at low-level background tremor na naitala simula pa noong ika-08 ng Abril 2021. Ibinuga ng Main Crater ang mataas na sukat ng volcanic sulfur dioxide gas at steam-rich plumes na may taas na isang libo at limang daang (1,500) metro bago napadpad patungong timog kanluran. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 7,560 tonelada kada araw noong ika-06 ng Hulyo 2021. Ang sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay nakakapagtala ng marahan na pag-impis ng Taal Volcano Island simula noong Abril 2021, samantalang ang kalakhang Taal ay nakakaranas ng marahang paglawak simula noong 2020.

 

Ang Alert Level 3 (Mataas na aktibidad) ay kasalukuyan nakataas sa Taal Volcano. Sa kalagayang ito, ang magma na nanunuot sa Main Crater ay maaaring magdulot ng malakas na pagsabog. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na ang Taal Volcano Island o TVI ay isang Permanent Danger Zone o PDZ at pagpasok sa TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel ay dapat na maigting na ipagbabawal dahil sa panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami kung sakaling magkaroon ng malakas na pagputok. Lahat ng mga aktibidad sa Taal Lake ay dapat ipagbabawal sa ngayon. Pinapayuhan ang residente sa paligid ng Taal Lake na maging mapagmatyag at mag-iingat dahil sa posibleng ashfall at vog at maging laging handa sa posibleng evacuation kung sakaling ang aktibidad ng Taal ay lumala.

Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo, umiitsang bato, at pyroclastic density currents tulad ng base surge na maaaring makaapekto sa aircraft na idudulot ng posibleng biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.

 

DOST-PHIVOLCS

-->