Philippine Standard Time
 

00 volcano icon for bulletin  

Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay walang naitalang volcanic earthquake ngunit patuloy ang low-level background tremor na naitala simula noong ika-13 ng Hunyo 2022. May naganap na pagsingaw sa lawa ng Main Crater na lumikha ng plume na may taas na anim na raang (600) metro na napadpad sa timog-kanluran at kanluran-timog kanluran. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit kumulang 2,840 tonelada kada araw noong ika-23 ng Hunyo 2022. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 66.5ºC noong ika-27 ng Abril 2022. Batay sa sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS, at InSAR monitoring, nakakapagtala ng marahang pag-impis ng Taal Volcano Island at ng kalakhang Taal simula noong Oktubre 2021.

 

Ang Alert Level 2 ay nakataas na ngayon sa Taal Volcano. Patuloy na pinapaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang mga kinauukulan na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang pag-abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglang maganap at manalasa sa paligid ng TVI at karatig na mga dalampasigan. Mariing iminumungkahi na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal. Hinihimok ang mga Local Government Units (LGU) na patuloy na pagtibayin ang paghahanda, contingency plans, at mga pamamaraan ng komunikasyon lalo na para sa mga nilikas na mga barangay kung sakali mang manumbalik ang pagligalig ng bulkan. Ang mga pamunuan sa civil aviation ay dapat magpayo sa mga piloto na iwasan ang pagpapalipad malapit sa bulkan upang makaiwas sa biglaang pagbuga ng abo at malalaking tipak ng lava o paglipad ng abo dala ng malakas na hangin na maaring magdulot ng panganib sa mga sasakyang panghimpapawid. Ang DOST-PHIVOLCS ay patuloy na masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal at agarang magpapararating sa lahat ng anumang pagbabago sa kalagayan ng bulkan. 

-->